< Back

ANG BATANG MATIBAY AWARDS

Ang Batang Matibay Awards ay binuo ng BEAR BRAND Fortified, kaagapay ang Department of Education, upang kilalanin ang mga katangi-tanging mag-aaral na nagpapamalas ng TIBAY sa pag-aaral at TIBAY sa buhay.

Ang mga Batang Matibay ay mga mag-aaral mula Grade 5 at Grade 6 na nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kanilang pamilya, paaralan at komunidad, sapagkat sa kabila ng mga hamon at hirap ng buhay, sila ay buong pusong nagpupunyagi upang matuto sa paaralan. Dahil sa kanilang taglay na TIBAY ng katawan, isipan, at kalooban, nagpapakita sila ng determinasyon at positibong pananaw upang makatulong sa pamilya, magsilbing lider ng kabataan at makapagtapos ng pag-aaral para sa magandang kinabukasan.

WINNERS

BATANG MATIBAY 2019 AWARDEES

Sean Geralyn Mara

Muzon Elementary School

She is an independent learner. She keeps herself motivated for her older brother with autism. She wants to be a neurologist one day because she wants to understand and provide better care for her brother and other people. All this while maintaining her good grades.

Read more

Sire Benedict Garcia

Aurora A Quezon Elementary School

Hindi madali para kay Sire na maging malayo mula sa kanyang amang OFW. Habang nagtatrabaho ang ama sa abroad, si Sire ang tumatayong katulong ng kanyang ina at dalawang kapatid sa mga gawaing-bahay. Ipinapakita niya ang kanyang tibay sa pagiging isang masunuring anak habang pinaghuhusay sa pag-aaral at nililinang ang angking galing sa robotics.

Read more

Mark John Alayon

His mother is a cancer patient while his father is a construction worker. All of his siblings want to attend school but few of them have the opportunity to do so. He uses his everyday struggles as an inspiration and a reminder that he will be able to help his family someday.

Read more

Suhel D. Alfonso

Lomopog Elementary School

Midsayap, Cotabato

Hindi nagsisilbing hadlang ang digmaan sa pagitan ng mga rebelde at Philippine Army upang makapag-aral si Suhel, kahit kinailangang apat na beses nang maglipat-bahay ang pamilya niya. Araw-araw, naglalakad si Suhel ng higit isang oras papuntang paaralan at minsa’y sumasakay pa ng bangka kapag tag-ulan. Kailan lamang, noong may naganap na barilan ng mga rebelde at sundalo malapit sa kanilang paaralan, si Suhel ang siyang nanguna sa kanyang mga kaklase at guro upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Read more

Mark Angelo Sunio

Caloocan North Elementary School

Nakikipaglaban sa sarcoma bone cancer – naputulan ng kanyang braso dahil sa sakit, pero patuloy pa ring nagpupursige na makapag-aral. “Maam, kamay lang ang nawala sa akin, hindi ang buhay. Kaya patuloy lang po ang buhay – magtatapos po ako ng pag-aaral.”

Read more

Isabelle Lara Miranda

San Pedro Central Elementary School

This kid has battled epilepsy since her young age but she did not allow her condition to get the best of her. When she started schooling she had difficulty writing as a side effect of one of her medications. To compensate for her slow writing, she would usually skip lunch only to end up still being the last to finish. She was bullied for her shortcomings but that didn't stop her to take each challenge with grit and determination.

Read more

Andrei Niko Diano

Legarda Elementary School

Nang ma-diagnose si Andrei ng ADHD (Attention deficit hyperactivity disorder) at learning disability, siya ay pinagaral sa SPED. Matapos ang apat na taon dito, si Andrei ay Grade Six ngayon. Siya ay patibay nang patibay bilang isang masipag at magaling na mag-aaral. Patuloy niyang ipinapamalas ang galing niya sa academics at pati na rin sa sports - patunay na di hadlang ang special needs sa batang matibay.

Read more

Andrei Niko Diano

Legarda Elementary School

Nang ma-diagnose si Andrei ng ADHD (Attention deficit hyperactivity disorder) at learning disability, siya ay pinagaral sa SPED. Matapos ang apat na taon dito, si Andrei ay Grade Six ngayon. Siya ay patibay nang patibay bilang isang masipag at magaling na mag-aaral. Patuloy niyang ipinapamalas ang galing niya sa academics at pati na rin sa sports - patunay na di hadlang ang special needs sa batang matibay.

Read more

Mark Wilson Q. Allado

San Fabian Integrated School

San Fabian, Pangasinan

Mula noong Grade 3 si Mark, ibinadya na niya ang mga responsibilidad ng kanyang nag-abandonang ama. Naglalakad siya ng higit sa tatlong kilometro araw-araw upang makapasok sa paaralan, at pagkatapos pumasok ay tumutulong siya sa pag-aalaga ng baka at kambing ng kanyang mga kapitbahay upang kumita ng kahit kaunting halaga. Kahit kapos sa pera, sinisikap niyang mag-aral nang mabuti at maging aktibo sa mga tungkuling pangpaaralan upang makamit ang pangarap niya na maging inhinyero.

Read more

Mariah Mae Dela Cruz

Villaverde Central School SPED Center

Nueva Vizcaya

Siya ay nagtatanim at nagtitinda ng mga gulay, pagkain (mani/saging), o anumang puwedeng maibenta para may baon sila ng kanyang mga kapatid. "Kung huminto ako, hihinto rin ang buhay ko" at hindi niya makakamit ang pangarap na maging guro. Sa bahay ay tinuturuan pa niya ang kanyang mga kapatid sa pagsagot ng kanilang modyul.

Read more

Xoann Kyle Ocampo

Chrysanthemum Village Elementary School

The pandemic has affected the source of their family's income, but this kid was able to help his family by starting their own snack bar. He was very involved from start to launch of their business. All this while maintaining his excellent grades. To his teacher's words: "Kyle has a strong and unbreakable leadership. He can turn challenges into opportunities."

Read more

Wilmarie Gonzales

Soldier Hills Elementary School

Kasama ang nanay at tatay na may sakit, si Wilmarie ay nakatira sa lugar na walang kuryente at tubig. Binibigyan lamang sila ng tubig ng mga kapitbahay na nag-mamagandang loob. Dahil dito, kaya lang mag-aral ni Wilmarie habang may araw pa. Gayunman, matibay pa rin si Wilmarie - lalo na sa paaralan bilang isang consistent na Honor Pupil.

Read more

Jecil F. Chua

Caranan South Elementary School

Pasacao, Camarines Sur

Ilang beses na siyang sinabihan ng kanyang ina na tumigil sa pagpasok sa eskwela, ngunit patuloy pa rin si Jecil na nagpupursigi sa pag-aaral. Dahil hikahos sa buhay, pumapasok siya na may dala-dalang paninda, tulad ng banana cue, lumpia at popcorn, na kanyang inilalako sa mga kamag-aral at guro. May mga pagkakataong din na siya ay nag-aayos at naglilinis ng mga lambat para may dagdag pambili ng pagkain ang kanyang pamilya. Handa siyang magsakripisyo at gumawa ng paraan yung makamit ang pangarap niyang maging guro.

Read more

Audrey Nicole Lorenzo

Aniban Central School

Bacoor, Cavite

Isang inspirasyon sa kaniyang paaralan at komunidad kung sya ay ituring. Sa panahon ng pandemya naging proyekto nya ang Project Bote kung saan ginagamit nya ang mga plastic bottles para maging plastic pots at ibinebenta ito sa kaniyang komunidad. Ang kinikita naman nya ay ginagamit para sa Lugaw Community Pantry para makatulong sa mga nangangailangan. Sa dami ng kanyang mga proyekto, naggawa pa nyang tumulong sa ibang mga bata na nangangailangang ng atensyon.

Read more

Matt Jayrus Evangelista

Tibig Elementary School

In his own words "Kaya ko iyan, pagsubok lamang ang mga iyan sa buhay ko, hindi niyan matatabunan ang mataas kong pangarap sa aking buhay. Laban kung laban." He is a product of a broken family, when his father left them, his mother worked abroad as an OFW to provide support for their family. At a young age, he learned to be independent and to fend for himself. Despite everything that he has experienced in his young age, he's still able to make it to the top of his class.

Read more

Angeline Aloran

Badipa Elementary School

Si Angeline ang masipag na katuwang ng kanyang nanay sa pagbebenta ng gulay upang makabili ng kakainin at pambaon sa eskwela. Bunso man sa apat na magkakapatid, buong tibay siyang naghahanap ng paraan upang makasali sa athletics competition sa paaralan. Namangha ang kanyang mga guro at kaklase nang siya’y humiram ng sapatos ng iba para lang makatakbo sa isang kumpetisyon.

Read more

Lindsay C. Cortez

Rodrigo D. Mabitad Sr. Elementary School

Panabo City, Davao del Norte

Si Lindsay at ang kanyang pamilya ay nakatira sa may garbage dumpsite na walong kilometro ang layo mula sa kanyang eskwelahan. Sa kabila ng hirap ng paglalakad araw-araw, aktibo siya sa mga extra-curricular activities, nananalo sa mga paligsahang pangpaaralan, at nagsisilbing lider at huwaran sa kanyang mga kaklase.

Read more

Lea Pillado

Baang Elementary School

Masbate

Nagsusumikap sa pag-aaral kahit na limang kilometro ang layo ng kanilang bahay mula sa paaralan, ni minsan ay hindi siya lumiban sa klase maliban kung may iniindang sakit. Kahit pa ang kanilang komunidad ay walang suplay ng kuryente, hindi ito naging balakid sa kanyang pag-aaral.

Read more

Daryl Ashlei Teves

Virac Pilot Elementary School

In addition to the brunt of the pandemic, the onslaught of super typhoon Rolly has greatly affected the educational system in Catanduanes - houses were destroyed, including the residence of this young kid. But no matter how many storms she encounters, she always faces it head on - in fact, despite her personal struggle after the typhoon, not only did she continue to excel in school, she even helped in a relief drive for those affected by the typhoon.

Read more

Riven Ken Carabit

Mangingisda West Elementary School

Gamay ni Kevin ang larong chess - para makapaglaro, lumuluwas siya sa bayan tuwing Sabado at inuuwi ang napanalunang pera upang tulungan ang kanyang pamilya. Ginagamit niya ang pera naiuuwi mula sa Chess para bumili ng gamot ng kanyang tatay na may depekto ang kaliwang mata. Pansin ng kanyang pamilya, kaklase, at komunidad ang tibay ni Kevin na handang ialay ang galing at pera para sa ikabubuti ng pamilya.

Read more

Pauline L. Padilla

Morente Elementary School

Bongabong, Oriental Mindoro

Pitong gulang lamang si Pauline nang siya ay iniwan ng kanyang mga magulang, at ngayo’y nakatira siya sa kanyang lolo at lola kasama ang dalawang nakababatang kapatid. Araw-araw, binabaybay niya ang humigit-kumulang limang kilometrong lakad sa bundok at ilog papuntang eskwela, at minsa’y wala pang laman ang tiyan niya. Kapag may gastusin para sa eskwela, nagyayasyas siya ng tingting upang makabuo ng walis na ibebenta. Bagama’t lumaking walang magulang, si Pauline ay lider sa paaralan at responsable sa kanyang pag-aaral, at nangangarap na maging guro upang mapagtapos din niya ang kanyang mga kapatid.

Read more

Nissa Yara

Marufinas Elementary School

Puerto Princesa

Masipag, matulungin, magalang, at may karangalan sa athletics. Isa siyang katutubong Tagbanua – hindi niya inalintana ang pangungutya sa kanyang pisikal na katangian at mga kakulangan sa buhay. Siya ay naging mabait, matulungin, mapagmahal, may paggalang sa kanyang kapwa kamag-aral, guro, at mga nakakatanda. Hindi nagiging balakid ang layo ng paaralan at kakulangang pinansyal. Naniniwala siya na ang edukasyon ang makapagbabago ng adhikain niya sa buhay. Pangarap niyang maging guro sa kanilang lugar.

Read more

Gladyne Lae Valencia

Lambok Elementary School

Huwarang estudyante ang masipag na si Gladyne. Nangunguna sa klase at namumuno sa mga kapwa kaklase upang linisin ang paligid ng paaralan, tumutulong din siya sa ibang mga mag-aaral na nahihirapang bumasa. Sa kanyang tahanan, ehemplo ng tibay si Gladyne dahil ginagamit niya ang bawat bakanteng oras para mag-aral. Kapos man sa pera, siya'y buong pusong tinutulungan ng kanyang mga guro dahil sa galing at tibay nito sa eskwelahan.

Read more

Jeremy J. Palma

Tangan-Tangan Elementary School

San Jose, Tarlac

Dahil ulila sa ina, naipasa kay Jeremy ang responsibilidad na alagaan ang kanyang dalawang kapatid. Kapag ang kanyang ama ay nasa palayan o nasa bundok upang mag-uling, isinasama ni Jeremy ang kanyang bunsong kapatid sa pagpasok sa eskwelahan. Kahit mabigat ang mga responsibilidad na naiatang sa kanya, patuloy siyang nagsusukikap at nangangarap na maging isang pulis upang makatulong sa kanilang pamilya.

Read more

Franc Elijah Gene G. Pan

Naga Central School

Naga City

Pangarap niyang maging doktor. Anak ng mga magulang na frontliners na nasa malayo. Ang kanyang ina ay isang medical technologist sa Legaspi, ang kanyang ama naman ay nagtatrabaho sa DOH Camarines Sur. Nagdudulot ito ng malaking pangamba - sa bawat pag-uwi mula sa trabaho ng magulang ay ang posibilidad na nakapag-uwi na ito ng virus.

Read more

Rich Lianne Jacobe Dano

SOCES and SPED Center

Surigao del Norte

Pangarap nyang maging doktor dahil naniniwala syang malaking tulong ito sa isla nila sa Siargao. Sya ang kasulukuyang Presidente sa kanilang paaralan at pinatunayan ang kanyang serbisyo lalo na noong panahon ng pandemya. Naging pangunahing proeykto nya ang paggawa ng customized facemask upang maidonate sa mga nangangailangangang frontliners sa kanialng komunidad.

Read more

Jerald J. Pelonita

He was hailed as Champion for the Division level National Art Contest with the theme "Dakilang Lahi" This is despite being born without arms. He advocates against bullying which he has personally experienced, and is able to encourage and inspire children with or without disability to come out from their shells and radiate positivity in their hardest or saddest moment.

Read more

April Rose Alvarez

P. Basas Elementary School

Payak ang pamumuhay ng pamilya ni April. Matibay at masipag ang batang ito na tuwing Lunes at Biyernes ay tumutuloy sa bahay ng kanyang tiyahin na mas malapit ang tirahan sa kanyang paaralan. Tuwing Sabado, umuuwi ito sa kanyang mga magulang upang tumulong sa bahay at mag-alaga ng mga kapatid. Madami man ang responsibilidad, nag-aaral pa rin ng mabuti si April upang mabigyan ang pamilya ng maginhawang buhay.

Read more

Aracely P. Paner

Tambangan Elementary School

Bulalacao, Oriental Mindoro

Panganay sa pitong magkakapatid, si Aracely ang tumatayong ama at ina kapag wala ang kanyang magulang upang mag-uling o magkaingin. Ang mga magulang nya ay hindi nakatungtong ng paaralan at kahit pangalan nila ay hindi maisulat. Araw-araw, maagang gumigising si Aracely upang maghanda ng kung anumang pagkain na mayroon sila bago maglakad ng isang oras papuntang eskwela na walang dalang baon. Gayon pa man, responsable pa rin siya sa kanyang mga tungkulin sa pag-aaral at sa kamag-aral niya bilang lider ng kanilang klase.

Read more

Carmela Marie Bohol

Penafrancia ES

Masbate

Sa kabila ng layo ng kanilang tirahan sa kanilang paaralan, hindi siya lumiliban sa klase. Umaalis sila ng kanyang kapatid na Grade 3 nang alas 5 ng umaga at dumarating sa paaralan nang 7:30 matapos maglakad ng humigit 2kms araw-araw. Kahit anong hirap ng kaniyang tinatahak, napanatili nya ang kanyang mataas na marka sa paaralan.

Read more

Marchilyn Guinahon

She is an inspiration for her school and her community. She wrote poems titled "Sa Gabay ng Tanging Ina" and "Physical Disability Never Stops me from being complete". She is her class's president and an active member in their school activities. All these, despite being born with polio. Her mother acts as her feet to get to school so she ensures to do well in school so that she can help her family in the future.

Read more

Maria Jini Acquisa

Bugasong Elementary School

Kasama ang kanyang kuya na Grade 9 lamang, namumuhay ang magkapatid sa Bugasong habang nag-tatrabaho ang kanilang ama sa Maynila. Upang matustusan ang kanilang mga araw- araw na pangangailangan, tumutulong siyang mag-benta ng mga bulaklak. Kahit namumuhay kasama lamang ang kapatid, hindi ito hadlang kay Maria Jini upang ipagpatuloy ang kanyang pag- aaral at makatapos ng elementarya.

Read more

Ian D. Quinto

Lalaan Central School

Silang, Cavite

Tuwing Sabado at Linggo, tumutulong si Ian sa kanyang ama bilang laborer sa construction site, nagbubuhat ng hollow blocks at semento sa kainitan ng araw, upang makatulong sa mga gastusin sa bahay. Sa kabila ng pagod at sakit ng katawan, sinisikap niyang mag-aral nang mabuti at laging siyang maasahan na gampanan ang kanyang mga tungkulin sa paaralan. Pangarap ni Ian na maging pulis paglaki nya, upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Read more

Elijah Angelo Yanzon

Imus Pilot Elementary School

Imus, Cavite

Siya ay consistent honor student at aktibong membro ng kanilang paaralan. Madalas syang maging representative sa mga regional competition at nakakauwi ng karangalan sa kanilang paaralan. Bagamat produkto ng broken family, hindi ito naging hadlang para patunayan nyang kaya nyang maging positibo sa buhay at patuloy na mangarap para sa mas matibay na bukas.

Read more

Jessca Solania

She crosses 7 rivers and 1 mountain just to get to the nearest school in their community but this does not stop her from dreaming to become a teacher and help her community in the future. She once had to cross the river despite strong currents, and she was found crying by the teacher - not because she was scared, but because she lost the only pair of slippers she had and did not want to miss school because of it. She is a reminder for everyone that we shouldn't take things for granted.

Read more

Myco Jayran Sembrano

La Carlota Elementary School

Mula man sa tinatawag niang "unconventional family", pinalaki syang may Tibay ng kanyang Mommy Randy. Taas-noo niyang ipinagmamalaki ang mga katangian na mayroon siya na itinuro at hinubog nito sa kanya. Dahil dito, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang suklian ang paghihirap ng nagpalaki sa kanya.

Read more

Otoy G. Suligan

Mirayan Elementary School

Gloria, Oriental Mindoro

Miyembro ng Tribong Bangon, si Otoy, panganay sa apat na magkakapatid at ulila sa ina, ang siyang tumatayong magulang sa kanyang mga kapatid. Kahit sadlak sa kahirapan ang kanyang pamilya at kailangang niyang maglakad sa ilog at bundok ng halos dalawang oras papuntang eskwelahan, walang makahahadlang kay Mark upang abutin ang kanyang pangarap na maging isang guro, sapagkat nais niyang ibahagi ang karunungan sa kapwa katutubo.

Read more

Ma. Angelica A. Fresnoza

Altura Elementary School

Tanauan, Batangas

Dahil sa pandemya, nawalan ng trabaho ang kanyang ama na isang karpintero. Bagamat wala syang gadget na kailangan nya sana para sa online module, hindi ito naging hadlang para patuloy syang maging isa sa mga top performers ng kanilang klase. Napagsasabay pa nya ang pagtulong at pagtuturo kanyang kapwa.

Read more

Cryzon Jay Ambinang

He is from the Manobo tribe and lives in the mountainside with no electricity and no internet in their community. Cryzon is the current Vice President in the Student council and he makes sure that the lack of electricity and internet connection are never going to be hurdles for them who want to get a better life. He delivers modules to his sitio and organizes feeding program and tutoring sessions amongst his tribe members.

Read more

Roby Rose Cordova

Antonio Villasis Elementary School

Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, tumira si Roby Rose at ang kanyang mga kapatid sa kanilang ama at bago nitong asawa. Hindi naging madali ang kanilang bagong buhay, kaya siya ay kinupkop ng kanyang mga guro. Marami mang pinagdaanan, buong tibay na sinisikap ni Roby Rose na makapagtapos ng kanyang pag- aaral.

Read more

Jhon M. Vito

Amado V. Hernandez Elementary School

Tondo, Manila

Sa kabila ng kanyang kapansanan, hindi ito nagiging hadlang kay Jhon upang makapag-aral. Kahit walang naghahatid sa kanya, kahit noong nasira ang kanyang wheelchair at kahit walang baon at anim na oras na hindi kumakain, masigasig pa rin siyang pumapasok sa eskwela. Sabi niya, “Kahit pilay ako at hindi makalakad ay magtatapos ako ng pag-aaral alang-alang sa aking ina at maliit na kapatid.”

Read more