Ano ang Batang Matibay
Ang BATANG MATIBAY ay may tibay ng KATAWAN, ISIPAN, at KALOOBAN - mga katangiang hinahanda siya para makamit ang isang matibay na bukas.
Ating alamin ang mga signs ng BATANG MATIBAY!
Ang Batang Matibay ay may tibay matuto sa eskwela at sa buhay. Taglay nila ang 3 Tibay Signs para sa matibay na bukas.
Tibay ng Katawan
Mahalagang nakikita nating lumalakas ang kanilang pangangatawan. Kaya nilang gampanan ang iba’t ibang gawaing kaugnay ng pag-aaral, mga gawaing-bahay, at pati na rin ang paglalaro kasama ang mga kaibigan.
Ilan sa mga senyales ay:
- Aktibo at energetic
- Matibay ang resistensya
- Tama ang tangkad sa edad
Tibay ng Kalooban
Mahalaga na sa murang edad ng ating mga anak ginagawa na nila ang nararapat at nagpupursigi para sa kanilang mga pangarap.
Ilan sa mga senyales ay:
- May tiwala sa sarili
- Determinado
- Alam ang tama sa mali at laging pinipili ang tama
- Kayang mag-isa o maging independent
Tibay ng Isipan
Para tiyak na kaya nilang makasabay sa pag-aaral at matuto sa buhay kailangan rin patibayin ang kanilang mga isipan.
Ilan sa mga senyales ay:
- Laging pumapasok sa eskwelahan
- Nakakasunod sa lesson
- Mabilis makuha ang turo ng guro
- Mabilis mag-isip at maka-sagot sa tanong